INTERVIEWS

Aga, miss ang anak kay Janice

IBAYONG pagmamahal ang pilit na pinahahatid ni Aga Muhlach sa anak niya kay Janice de Belen na si Iggy Boy.
"I really miss my son. Nanghihinayang talaga ako at noong maliit pa siya hindi ko man lang nakasama ng madalas at naalagaan ng husto," ani Aga.

Ngayon lang kasi napagtanto ni Aga na malaki ang kanyang pagkukulang sa kanyang anak na panganay.

"Kapag inaalagaan ko ang aking kambal ngayon at binubuhat ay iba ang pakiramdam ko. Sobrang saya ko. Bigla ay nalulungkot din ako dahil hindi ko ito nagawa sa anak ko kay Janice. Alam ko namang naiintindihan ako ni Iggy Boy ngayon dahil medyo magulo pa kami noon ni Janice. Honestly, gusto kong bumawi sa anak ko. I want him to know na siya pa rin ang panganay ko at hindi ito magbabago," maluha-luhang sabi ni Aga.

" I love my son so much at sana hindi na kami magkailangan sa isa't isa," dugtong pa ni Aga.

Hanggang ngayon daw kapag nagkikita sila ng anak ay isa lang ang lagi niyang ipinaaalala.

"Gusto kong magtapos siya ng pag-aaral. Actually hindi ko nga alam kung paano ko siya pagsasabihan eh kahit pagalitan kung may nababalitaan akong mali hindi ko magawa dahil hindi ko pa huli ang kalooban ng anak ko. Takot akong magtampo siya at lumayo sa akin," pagtatapos ni Aga.

 

(Next Interview)